^

Probinsiya

4 drug trafficker utas sa raid

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang apat na pinaniniwalaang drug traffickers makaraang manlaban sa mga elemento ng pulisya sa inilatag na “One time Big time” drug operation ng Davao City Police Office sa lungsod ng Davao, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang napaslang makaraang manlaban umano sa mga pulis na sina Jojit Obatonon alyas “Bobong Mandaya,” ng Bonifacio St., Brgy. 33-D; Renato Alamara alyas “Ren” residente ng Barangay Dumoy, Talomo District; Bobby Daquigan, 38 at ang pang-apat sa target list na drug personalities ng Sta. Ana PNP na si Edward Magno, pawang sa Davao City.

Bukod sa mga napas­lang, may 27 katao (20 dito ang lalaki, pito ang babae) ang inaresto sa operasyon.

Narekover ng mga pulis mula sa mga nahuling suspek ang isang motorsiklo, isang taxi at 2.35 gramo na shabu at 3.5 gramo na Marijuana, walong armas na kinabibilangan ng isang cal .45 pistol, tatlong cal .38 revolver, isang airgun rifle, 1.22 cal magnum, 1.22 mini revolver, isang homemade airgun at mga basyo ng bala na kinabibilangan ng 24 na .45 pistol, at 10 bala ng .38 revolver.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with