^

Probinsiya

Trader huli sa 14 bala sa Caticlan airport

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang ne­gos­yante makaraang makita sa kanyang bagahe ang mara­ming bala habang pasakay sa eroplano sa Caticlan Airport sa Malay, Aklan nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng Aklan Police, ang nahuli ay si Jerome Sulit, 29, ng Urlina Lilac Street, Fairview, Quezon City.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang nasa paliparan ang negosyante kasama ang misis nito galing sa pagbabakasyon sa Boracay Island nang ma­diskubre ni John Tesorero, x-ray machine operator na may mga bala sa sling bag ng negos­yante dakong ala-1 ng hapon sa departure area. Agad na sinita ng mga na­­ka­talagang miyembro ng PNP-Aviation Security Group sa paliparan si Sulit na pinabuksan sa harap nito ang kanyang sling bag.

Nakuha mula sa negos­yan­te ang 14 live ammunition at isang basyo ng bala ng cal 22 pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with