^

Probinsiya

Shootout: Drug pusher dedo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na drug pusher matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Gumaoc East, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napaslang na si Roberto Bravo na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa Malabon City. Base sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos, nagka-cara y cruz si Bravo at ilang kalalakihan nang sumali ang isang pulis na nagpanggap na magsusugal. Nang manalo ang pulis ay iniabot ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu bilang bayad sa cara y cruz. Subalit nakatunog si Bravo sa operasyon ng pulisya kaya nagtatakbo ito kung saan hinabol naman hanggang sa maganap ang shootout. Narekober kay Bravo ang cal. 22 revolver, mga bala at 16 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with