^

Probinsiya

Dinamita sumabog: 2 utas, 13 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang 13 naman ang su­gatan matapos na masa­bugan ng dinamita sa loob ng bahay sa Sitio Lungan Gihtong sa Barangay Busbus, bayan ng Jolo, Sulu noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt Julpikar Sitin, hepe ng Jolo PNP, kinilala ang mga namatay na sina Aldea Tating at Kabir Laho ang may-ari ng bahay na ginawang pabrika ng dinamita.

Sugatang isinugod sa ospital ang mga sugatang sina Kamliya Spaldon, 60; Menariya Elasan, 42; Jeba Tating, 27; Neba Janji, 15; Nashra Baani, 12; Alnica Tating, 16; Fadzrina Tating, 6; Darwin Tating, 5; Aifha Tating, 5, at ang apat na hindi nabatid ang pagkakakilanlan.

Narekober sa loob ng bahay ang limang sako ng ammonium nitrate na pangunahing sangkap sa paggawa ng dinamita at iba pang klase ng improvised exploside device (IED).

Ginagamit ang mga dinamita ng magkakamag-anak sa ilegal na pangigisda sa nasabing lugar.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with