Ex-barangay chairman, itinumba
PANGASINAN, Philippines – Napatay ang 72-anyos na dating barangay chairman matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Cabalaoangan Sur sa bayan ng Rosales, Pangasinan noong Linggo. Napuruhan sa ulo ang biktimang si ex-Chairman Renato Oril, secretary sa Barangay Pangaoa sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating sa Pangasinan PNP provincial office, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang pagbabarilin ng tandem. Naisugod pa sa Rosales Infirmary Hospital subalit idineklarang patay. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest