^

Probinsiya

Zambales Mango Festival, aarangkada

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales, Philippines – Handa na ang lahat para sa pinakahihintay na Dinamulag Mango Festival, ang taunang selebrasyon sa Zambales na nagtatampok sa tinaguriang “pinakamasarap na mangga sa buong mundo.”

Ayon kay Gob. Jun Ebdane,  tatlong araw na programa ang inihanda para sa mga bisita at residente na manonood at sasali sa iba’t ibang pangkulturang palabas, eksibisyong pang-industriya at kompetisyon sa larangan ng sports.

“Ang mga ito ang tinatawag na “Best of Zambales”, kaya inaanyayahan namin ang lahat na makipagsaya sa aming lalawigan,” pahayag pa ni Ebdane.

“Bukod sa pinakamasarap na mangga at sa mga aktibidades sa festival, subukan n’yo ring puntahan ang mga kaengga-engganyong tourist spots at tikman ang mga lutuin na ipinagmamalaki ng mga Zambalenyo,” paliwanag pa ni Gov. Ebdane.

Ayon sa Dinamulag Mango Festival organi­zing committee, magsisimula ang kasayahan ngayong Huwebes (Marso 17) sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni da­ting Pangulong Ramon Magsaysay sa provincial hospital sa bayan ng Iba.

Susundan ng “Ulat sa Bayan” ni Gov. Ebdane na gaganapin sa Zambales gymnasium at ang pagbubukas ng agro-industrial and cultural trade fair and exhibit sa Zambales Sports Complex kung saan gaganapin din ang karamihan ng mga palaro sa festival.

Sa susunod na da­lawang araw ay mapapanood naman ang street-dancing parade and competition, ang “Zamba Tuklas-Talento” contest at ang finals ng Binibining Zambales pageant.

Magkakaroon din ng mga mango-picking tour sa mga bukirin kung saan ang mga bisita ay maaa­ring mamitas ng mangga mula sa puno.

Ayon kay Zamba­les Tourism Officer Tel Mora, ang festival ay iinog sa popular na manggang Zambales at iba pang produktong lokal tulad ng pastillas, fruit wine, dried fruits at iba pa na gawa sa ilalim ng One Town One Product program.

“Masaya ito. Pinag­sama-sama ang iba’t ibang palabas at masasarap na produkto para sa mga bisita ng Zambales,” dagdag pa ni Mora.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with