Kelot tiklo sa 105 kilo ng marijuana
MANILA, Philippines – Isang 32-anyos na mister ang nasakote ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police sa La Union at nasamsam ang nasa 105 kilo ng pinatuyong marijuana.
Kinilala ang suspek na si Noelezar Molina, driver ng Saint Agustin, Maricaban, Pasay City.
Sa ulat, naharang mga otoridad ang sasakyan ng suspek na Isuzu Alterra (VEk-161) sa Barangay Corro-oy, Santol, La Union.
Ang mga marijuana ay kinuha ni Molina sa Santol, La Union at planong dalhin papuntang Maynila nang mahuli ito.
- Latest