Dating pulis nadakip sa pagbebenta ng shabu
MANILA, Philippines – Naaresto ng mga elemento ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Cotabato City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. ang suspek na si Abdulrahman Sulaiman, alias Dong, 48-anyos, dating pulis na may ranggong PO2 na nakadestino noon sa Cotabato City Police Office, subalit nadismis sa serbisyo nang mag-AWOL noong taong 2000.
Nahuli ang suspek sa parking lot ng isang kilalang fast food chain sa Parang Road,Cotabato City nang magbenta ng isang piraso ng transparent plastic sachet ng shabu sa isang PDEA agent na umaktong poseur-buyer.
- Latest