^

Probinsiya

Paslit nilamon ng apoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 4-an­yos na batang lalaki matapos itong makulong ng apoy sa silid ng kanilang tahanan sa naganap na sunog sa Brgy. San Roque, Sto. Tomas, Batangas kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. Arcadio Ronquillo, Director ng Batangas Provincial Police Office (PPO), ang nasawing biktima na si Symone Manzanal, residente sa lugar.

Bandang alas-12:31 ng hapon nang magsimulang lamunin ng apoy ang bahay ng pamilya Manzanal  sa nasabing lugar.

Agad namang nagres­ponde ang mga elemento ng Bureau of Fire Protection sa ilalim ng superbisyon ni Fire Chief Inspector Nonilon Macasadia II at naapula ang sunog  matapos ang halos kalahating oras.

Ayon sa mga arson investigator ang bangkay ng bata na halos nagmistulang uling ay narekober sa ilalim ng kama ng silid nito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Lumilitaw sa pagsisiya­sat na electrical short circuit ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with