^

Probinsiya

Pagbomba sa festival ng Maguindanao, napigil

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Nasilat ang planong pagpapasabog ng masasamang loob sa isang masayang ika-5 Sagayan Festival sa Buluan, Maguindanao, nang marekober ng militar ang itinanim na bomba kahapon ng umaga.

Ayon kay 33rd Infantry Battalion commander Col. Ricky Bunayog, gawa sa bala ng 81mm mortar ang bomba at nilagyan ng alarm clock bilang triggering mechanism.

Alas-8:15 ng umaga nang matagumpay na ma-defuse ang nasabing ma­lakas na uri ng improvised explosive device (IED) sa bayan ng Buluan.

Batay sa ulat, iniwan ang IED na nakasilid sa itim na backpack sa harap ng tanggapan ng Provincial Risk Reduction and Management Office sa Provincial Capitol Grounds.

Kasunod ng pagkakatuklas sa bomba sa mga inihandang iba’t ibang aktibidad sa provincial capitol grounds sa pagdaraos ng 5th Saga­yan Festival sa lalawigan.

Nananawagan na ang pamahalaang probinsiya ng Maguindanao sa mamamayan na manati­ling alerto at mapagmat­yag kasabay ng pagkondena ng nasabing insidente.

Hinigpitan na rin ang seguridad sa lalawigan ng Maguindanao kasabay ng nasabing pagdiriwang sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with