^

Probinsiya

3 drug pusher utas sa shootout

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong hinihinalang notoryus na drug pusher ang napaslang matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya sa South Cotabato nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasa­wing suspek na sina Ruel Kipad, Toni Silongan Oto at Martinez Mopak, pawang residente ng Sitio Kuhan, Upper Sepaka, Surallah ng lalawigan. Sila ay pawang nasa drug watchlist sa lalawigan.

Sa ulat ng South Cotabato Police, bandang alas-4 ng madaling-araw nang magsagawa ng anti-drug operation ang Anti-Narcotics operatives, Regional Public Safety Battalion, Special Action Force (SAF) at iba pa sa safehouse ng mga suspek sa Brgy. Upper Sepaka ng nasabing bayan.

Sa halip na sumuko, pinaputukan umano ng mga suspek ang raiding team na nauwi sa engkuwentro. Isa-isa umanong bumulagta ang mga suspek habang nakatakas ng iba nilang kasamahan.

Nasamsam sa lugar ang ilang sachet ng metamphetamine hydrochloride o shabu at mga armas ng mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with