^

Probinsiya

Ex-lover ni misis inatado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kritikal ang 50-anyos na security guard matapos itong pagtatagain ng mister ng dati niyang karelasyong misis nito sa Barangay 20 San Jose sa bayan ng  Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa. ?Sa police report na natanggap ni P/Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, nakaupo sa gilid ng kalsada ang biktimang si Amado Lagutan nang sugurin siya ng itak ng suspek na si Arnold Sioquin, 36.? Lumalabas sa imbestigasyon na kinompronta ng suspek ang biktima dahil sa mga ipinagkakalat nitong tsismis sa kanilang barangay ang tungkol sa nagdaang relasyon nito sa kanyang asawa. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City ang biktima dahil sa maselang kalagayan. Samantala, nasakote naman ang nagwawalang suspek na tangan pa ang itak na pinangtaga sa biktimang romantiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with