Detachment commander, itinumba
CAMARINES NORTE, Philippines – Napaslang ang 42-anyos na detachment commader ng Phil. Army habang sugatan naman ang kanyang kaangkas sa motorsiklo matapos pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army sa Sitio Vicita, Brgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga biktima na si Sgt. Rodel Rala ng Barangay Taisan sa bayan ng Basud, Camarines Norte at detachment commander ng 22nd Infantry Batallion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army. Ayon sa ulat, nagmomotorsiklo ang biktimang kaangkas ang kanyang kaibigan nang harangin at ratratin ng tatlong rebeldeng NPA. Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol ng mga rebelde saka muling pinutukan hanggang sa mapatay. Kasalukuyang ginagamot sa Libmanan District Hospital ang backrider ng biktima na bineberipika ang pagkakakilanlan.
- Latest