^

Probinsiya

19-anyos utas sa nilarong baril ng kainuman

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang 19-anyos na kawani ng munisipyo matapos itong ta­maan ng bala ng cal. 45 pistol na pinaglaruan ng kanyang kainuman sa Purok 3, Barangay Magsaysay sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi.

Napuruhan sa leeg at idineklarang patay sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang si Jay Bulasco y Bondoc ng Barangay Sto. Rosario sa nasabing bayan. Naaresto naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Ferdinand Soro y Miguel, 39, may-asawa, magsasaka, ng Purok 3 sa Brgy. Magsaysay.

Base imbestigasyon, nag-iinuman sina Bulasco at Soro kasama ang ilang kaibigan nang nagyabang sa grupo ang suspek na may dalawa umano siyang baril.

Upang mapaniwala ang mga kainuman ay ipinakita ng suspek ang dalawang baril kung saan pinaglaruan nito cal. 45 pistol at hindi maipaliwanag na kadahilanan ay biglang pumutok na tinamaan sa leeg ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with