^

Probinsiya

Mag-utol na Bumbay, nilikida

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Patay ang mag-utol na negosyanteng Bumbay matapos tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Barangay Roque, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga. Kapwa napuruhan sa dibdib ang mag-utol na sina Santos Kaur, 51; at Tarsem Lal Singh, 27, mga nakatira sa 27 Session Pines City, Executive Village sa Barangay Dalig, Antipolo City. Sa ulat ni SPO3 Ian Albert ng Antipolo City PNP, Magkaangkas sa motorsiklo ang magkapatid mula sa paniningil ng pautang nang biglang harangin at pagbabarilin ng tandem bandang alas-9:30 ng umaga. Naisugod pa sa Antipolo Doctor’s Hospital si Tarsem subalit namatay din habang si Santos naman ay namatay sa crime scene. Wala namang tinangay na pera at personal na gamit ng mag-utol habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with