Ika-20 Hot Air Balloon Festival, simula na
PAMPANGA, Philippines – Simula ngayong umaga hanggang Linggo (Feb 14) ay isasagawa ang ika-20 edition ng Hot Air Balloon Festival na itinuturing na pangunahing proyektong pangturismo ng Clark Development Corporation (CDC) sa Philippine Air Force ADAC Hangar, M.A. Roxas Highway sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamunuan ng CDC sa Philippine International Hot Air Balloon Fiesta (PIHABFFI) sa pamumuno ni Joy Roa sa muling paglulunsad ng flying exhibitions at on-the-ground fun activities.
Kabilang sa highlights ng balloon festival ay ang magkakasunod na pag-alagwa sa ere ng 20 traditional at special-shaped hot air balloons mula sa Europe, US, Asia at sa Pilipinas.
Masasaksihan din ang non-stop flying exhibitions kabilang ang skydiving, motorized paragliding, aerobatics, formation flying, radio-controlled model flights, kite-flying, at rocketry.
Maging ang car-drifting exhibitions at fire fighting and safety demonstrations ng Clark International Airport Corporation (CIAC).
Suportado naman ng Department of Tourism, Philippine Air Force and ilang military units ang ika-20 PIHABF. Mabibili ang tickets sa halagang P350 sa fiesta’s official website ng SM Ticketnet outlets, o kaya sa entrance gates. Ang malilikom na halaga ay ipagkakaloob sa PIHABF Foundation Scholarship Fund. Sa karagdagang impormasyon ay maaring bumisita sa www.visitclark.com, www.clark.com.ph,www.philballoonfest.net o kaya sa official Facebook page, sa http://www.facebook.com/pihabf.
- Latest