^

Probinsiya

21 katao tiklo sa gun ban

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umabot na sa 21-katao ang nalambat ng pulisya sa Cagayan Valley dahil sa paglabag sa gun ban na ipinatutupad ng Commission on Elections’ (Comelec) simula noong Enero 10, 2016. Base sa talaan ng Cagayan Valley Regional Election Monitoring Center (REMAC), pinakamarami sa lumabag sa gun ban ay mula sa Isabela na may 5-katao kabilang ang Santiago City na apat ang nasakote. Ayon kay P/Chief Supt. Ranier Idio, Cagayan Valley PNP director, sumunod naman ang Nueva Vizcaya na may 6 na naaresto habang lima naman sa Cagayan at sa Quirino. Samantala, nanatiling malinis at walang naitalang lumabag sa Comelec gun ban sa Batanes. Muling nanawagan si Idio sa mga operatiba ng pulisya na mas lalong paigtingin ang pagpapatupad ng Comelec gun ban para mapanatili ang katahimikan sa nalalapit na halalan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with