^

Probinsiya

Magsasaka utas sa heat stroke

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang 48-anyos na ginang na magsasaka makaraang ma-heat stroke dahil sa tindi ng init ng panahon na nararanasan kahapon sa Barangay Damalasak sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao. Kinilala ang biktima na si Aga Buday, may asawa at may apat na anak kung saan tanging ang pagsasaka lamang at pagtatanim ng mga gulay ang kanilang pinagkakakitaan. Nabatid na kagagaling lamang ng biktima sa sakahan kahapon ng umaga matapos na mamitas ng mga pananim na gulay upang ibenta sa pamilihang bayan. Agad na naligo ang biktima kung saan bigla na lamang itong natumba kaya mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang patay. Heat stroke ang nakikitang dahilan ng mga doktor sa pagkamatay ng biktima. Agad namang inilibing kahapon ang biktima batay sa tradisyong Islam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with