^

Probinsiya

Apo ng alkalde pinalaya ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang taong pagkakabihag, pinalaya na ng mga teroristang Abu Sayyaf Group ang 3-anyos na apo ng alkalde ng Pitogo, Zamboanga del Sur sa isang lugar sa Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Base sa ulat ng Joint Task Group Sulu, kinilala ni Major Felimon Tan, Army’s regional spokesman ang pinakawalang bihag na si Ace Jay Garban, apo ni Pitogo Mayor Richard Garban na dinukot noong Marso 31, 2015 sa Brgy. Poblacion kasama ang kapatid nitong si Zynielle Jay at panadero na si Ledegie Tomarong.

Si Zynielle Jay ay pinatay ng mga kidnaper kung saan itinapon at narekober ang bangkay nito sa karagatan ng Zamboanga del Sur noong Abril 3, 2015 habang si Tomarong naman ay pinawalan sa Brgy. Kagay, bayan ng Indanan, Sulu.

Bandang alas-2:42 ng hapon ng pakawalan ang bata sa liblib na bahagi ng Brgy. Buanza sa bayan ng Indanan, Sulu.

Namataan naman ng mga residente na naglala­kad na mag-isa ang bata ay agad nila itong ini-report sa tropa ng militar na nakabase sa lugar.

Dinala ang biktima sa Internal Defense Force sa pamumuno ni Col. Bernie Sun, deputy commander ng Army’s 501st Infantry Brigade.

Pinagamot din ang bata sa Trauma Hospital sa Camp Bautista sa Brgy. Busbus, Jolo, Sulu.

Nakipag ugnayan na ang mga opisyal ng militar sa pamilya ng bata upang masundo na ito pabalik sa kanilang bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with