^

Probinsiya

Jailguard nasamsaman ng droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang 42-anyos na jailguard matapos makumpiskahan ng shabu at mga drug paraphernalia sa sorpresang pag-iinspek­syon ng mga opisyal sa barracks ng district jail sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jail Officer 1 Franco Fumero ng Brgy. Disud  sa nasabing bayan.

Si Fumero ay isa sa mga tumutuloy sa barracks ng Sindangan District Jail ng isinailalim sa sorpresang pag-iinspeksyon ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng jail warden na si Jail Senior Inspector Mashur Sala, Sindangan PNP sa pamumuno naman ni P/Chief Inspector Stephen Bullecer Daang-Acop at Municipal Anti-Illegal Drugs Group ng PNP.

Sa ulat ng police regional office 9 na isinumite sa Camp Crame, ang  pag-iinspeksyon  ay isinagawa ng mga awtoridad sa ilalim ng Oplan Galugdad upang malinis sa irregularidad ang barracks ng mga jailguards na nasa premises ng district jail sa nasabing bayan.

Bandang alas-7 ng umaga nang isagawa ang sorpresang pag-iinspeksyon sa barracks ng mga jailguards kung saan ay nabulaga si Fumero na nasamsaman ng mga drug paraphernalia at pitong plastic sachet na shabu.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with