^

Probinsiya

Bahay ng mayoralty candidate, grinanada

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinaniniwalaang pulitika ang isa sa motibo sa pagpapasabog ng granada sa harapan ng bahay ng mayoralty bet sa bayan ng Jones, Isabela noong Linggo ng gabi.?

Ayon kay Councilor Melanie “Lanie” Uy, una nilang inakala na paputok lamang ang sumabog sa harapan ng kanilang bahay at hardware dahil sa selebrasyon ng Chinese New Year habang sila ay naghahapunan dakong alas-7 ng gabi.?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Noel Patalittan, hepe ng Jones PNP, tatlong motorsiklo at isang van na nakaparada sa harapan ng bahay ni Uy ang nawasak dahil sa matinding pagsabog.?

Ayon kay Uy, nakatanggap siya ng tatlong text messages na may pagbabanta sa kanyang buhay bago naganap ang pagsabog.?

Si Uy ay mayoralty aspirant sa ilalim ng Liberal Party at masugid na supporter ni dating Vice Mayor Florante Raspado na pinatay sa kanyang harapan noong Hunyo 19, 2015 ng umaga kung saan napatay din ng gunman ang bodyguard ni Councilor Uy.?

Tumatakbo bilang vice mayor ni Uy ang biyuda ni Raspado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with