^

Probinsiya

Kinalasan, nagsaksak sa sarili

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 21-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng kanyang syota matapos itong magsaksak sa sarili sa Barangay Wawa 3 sa bayan ng Rosario, Cavite kamakalawa ng madaling araw. Napuruhan sa leeg at tiyan ang biktimang si Takeshi Soria, factory worker at nakatira sa Little Baguio sa nasabing barangay. Base sa police report, sumiklab ang pagtatalo ng biktima at kasintahan nito si Maria Cristina Del Rosario Sumaya sa inuupahang apartment kung saan nauwi sa pakikipagkalas ng babae.Gayon pa man, umalis ang babae subalit pagbalik nito ay nadatnan ang biktima na duguan matapos itong magsaksak sa sarili. Kaagad na isinugod sa pagamutan ang biktima na kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with