^

Probinsiya

9-anyos dinedo, STL collector nagbigti

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Nagbigti ang 45-anyos na STL collector matapos nitong pagsasaksakin ang 9-anyos na totoy sa Barangay Gomez, bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng umaga. Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng umaga ay rumesponde ang mga awtoridad kaugnay sa pagpapakamatay ng biktimang si Leopoldo Ajon ng Candelaria, Quezon. Sa gawing paanan ni Ajon ay natagpuan ang duguang katawan ng batang si Alyas Buboy. Sa pagsisiyasat ng pulisya, narekober ang suicide note ni Ajon na nakasaad na tinapos niya ang sariling buhay makaraang pagsasaksakin sa dibdib ang bata. Gayon pa man, hindi binanggit ang motibo ng biktima sa pagpaslang sa bata. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang ugat ng krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with