^

Probinsiya

Magsasaka nagbigti dahil sa El Niño

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa matinding epekto ng El Niño phenomenon ang 37-anyos na magsasaka matapos itong mabigong makapag-ani ng mga pananim sa Barangay Kigan sa bayan ng South Upi, Maguindanao kamakalawa. Sa ulat ng Central Mindanao PNP na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-5 ng hapon nang matagpuang nakabigti sa kanyang kuwarto ang biktimang si Jimmy Tamberya.

Bago maganap ang suicide ay halos isang linggo umanong hindi kumakain ang biktima matapos na wala itong anihin  mula sa mga pananim na palay at mais dulot ng matinding tagtuyot sa kanilang bayan.

Bukod ang South Upi sa kabuuang 18 bayan sa Maguindanao ang naapektuhan ng matinding El Niño kung saan natuyot ang mga bukirin at nalugi ang mga magsasaka.

Samantala, nauna na ring idineklara ng lokal na pamahalaan ang state of calamity sa bayan ng South Upi.

Kaugnay nito, namahagi na ang lokal na pamahalaan ng Maguindanao ng tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with