^

Probinsiya

Tatay tinubo ng anak, dedo

Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 74-anyos na tatay matapos itong hampasin ng tubo ng sariling anak sa Barangay Singkatulan, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Fabian Belarmino habang nasakote naman ang suspek na si Marcil Belarmino, 42, ng Malungon sa Saranggani.

Batay sa police report, naganap ang krimen bandang alas-3:30 ng madaling araw, habang nag-iinuman ang mag-ama ay bigla na lamang humantong sa mainitang  pagtatalo.

Dito unang hinampas ng ama ang anak gamit ang tubo pero naagaw naman ng suspek sa biktima ang tubo.

Gayon pa man, umiwas na ang suspek saka pumunta sa likuran ng bahay subalit sinundan at tinubo ng kanyang ama kung saan tinamaan sa kaliwang paa.

Nang maagaw ng suspek ang hawak-hawak na tubo ng ama ay hinampas na niya ito at tinamaan sa ulo kaya kaagad na namatay.

Nabatid na bumisita lamang ang anak sa kanyang tatay para sa death anniversarry ng kanyang ina.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with