^

Probinsiya

78-anyos biyuda kinatay ng pamangkin

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos na eksena ang tumambad sa anak ng 78-anyos na biyuda matapos niyang masaksihang kinakatay ng pamangkin sa kanilang bahay sa Rocky Side 1, Barangay Lubas sa bayan ng La Trinidad, Benguet noong Biyernes. ?

Sa pahayag sa pulisya ni Florencio Lartec na malagim na tagpo ang tumambad sa kanya na nakalumbabaw pa ang suspect na pinsan niyang si Marcela Espada, 53, sa lupaypay na katawan ng kanyang ina na si Lourdes Lartec habang inaatado ng gunting ang leeg.?

Agad na tumakas ang suspect habang binuhat ni Florencio ang duguang ina at dinala sa Benguet Ge­neral Hospital kung saan ito idineklarang patay.?

Nadakip naman ang suspek sa kanilang bahay sa follow-up operation ng pulisya. ?

Ayon sa mister ng suspek na si Damaso Espada, bigla na lamang pinauwi ng kanyang mga amo sa Taiwan ang kanyang misis sa hindi ipinabatid na dahilan.?

Gayon pa man, sinasabing ang suspek ay may tatlong mis­yon na ililigpit na ibinubulong sa kanya ng masamang epiritu at isa na rito ay ang napatay niyang tiyahin.?

Hindi na isiniwalat ng mister ng suspek kung sino pa ang natitirang dalawa sa listahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with