^

Probinsiya

Estudyanteng 'broken hearted,' nagpakamatay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 17-anyos na De La Salle student na sinasabing may matinding problema sa kanyang nobya matapos itong tumalon mula sa may 42 talampakang taas na grandstand ng campus sa nasa­bing university sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Bandang alas-7 ng u­maga nang matagpaung nakahandusay sa likuran ng grandstand ang biktimang itinago ng mga magulang sa pangalang Mark, 2nd year college student sa kursong computer engineering sa De La Salla University Dasma­riñas (DLSU) at nakatira sa Barangay Alapan sa Imus City, Cavite.

Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, ayon sa ilang kaklase hindi na pumasok sa huling subject ang biktima at hindi na rin umuwi.

Sinasabing bago ang pagpakamatay ang biktima ay broken hearted dahil sa kanyang nobya na may matinding tampuhan.

Lumagda naman ng waiver ang pamilya na hindi na nila isasailalim sa post-mortem examination ang katawan ng estudyante.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with