^

Probinsiya

Mag-utol hinalay ng ama

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Maagang napariwara ang kinabukasan ng magkapatid na nene matapos na gawing sex slave ng sari­ling ama sa loob ng dalawang buwan sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Makaraang pormal na sampahan ng reklamo sa PNP Women’s and Desk Section ay inaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Harold Depositar ang 41-anyos na suspek na si Raymund. Samantala, nasa pangangalaga ngayon ng MSWD ang mga biktimang itinago sa mga pangalang  Thea, 9; at Tricia, 6.

Sa ulat ng pulisya, unang isinagawa ang panghahalay kay Thea noong Oktubre 2015 kung saan naulit pa noong unang linggo ng Nobyembre sa loob ng kanilang bahay kung saan iniwan ng kanilang ina na nagtatrabaho sa Laguna.

Natuklasan naman ang panggagahasa kay Tricia noong Nobyembre 27 nang ipagtapat nito sa kanyang ina ang nangyari.

Hindi na nagdalawang isip ang ina kung saan ipinaaresto ang kanyang mister kahapon.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY POBLACION

DESK SECTION

HAROLD DEPOSITAR

MAAGANG

MAKARAANG

NATUKLASAN

NOBYEMBRE

THEA

TRICIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with