^

Probinsiya

3 niratrat sa kasalan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang nakikipagbuno kay kamatayan matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki habang nag-iinuman sa handaan ng kasalan sa Barangay Nabbotuan, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. ?

Sa pahayag ni P/Chief Insp. Rogelio Caronan, hepe ng Solana PNP, nadakip sa follow-up operation ang isa sa mga suspek na si Jesse Piluden sa kanyang bahay habang ang kasabwat na si Bukto Omecas ay nakatakas.?

Sina Piluden at Omecas ang itinuturo ng mga testigo na bumaril sa mga biktimang sina Freddie Velarde, 42; Martin Velarde, 40; at kaanak na si Magellan Mariano, 39.

Ang mga biktima ay tumatagay sa handaan ng kasal ng isang kaanak nang lapitan at ratratin kung saan nagkagulo at nagtakbuhan ang bagong kasal at mga bisita.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng shotgun at cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong alitan ng pamilya ng mga biktima at mga suspek.

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY NABBOTUAN

BUKTO OMECAS

CHIEF INSP

FREDDIE VELARDE

JESSE PILUDEN

MAGELLAN MARIANO

MARTIN VELARDE

MGA

ROGELIO CARONAN

SINA PILUDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with