^

Probinsiya

Aeta pinugutan sa inuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 27-anyos na Aeta matapos itong pugutan ng kanyang kabaro habang nag-iinuman sa Barangay San Esteban, bayan ng Iguig, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO2 Ronald Pascual ang biktima na si Ibok Tumaliuan na tubong Gattaran habang ang suspek na kababayan nito ay nakilalang si Noel Guzman ng nasabing barangay.?

Lumalabas sa imbestigasyon na naungkat ng mag­kababayan ang matagal na nilang alitan habang lumalalim ang kanilang tagayan ng alak kaharap ang iba pang kaibigan sa bahay ng utol ng suspek.?

Nauwi sa suntukan ang pagsasagutan ng dalawa hanggang sa inilabas ng suspek ang sukbit na itak na siyang pinangtagpas nito sa ulo ng biktima na nagpagulung-gulong pa sa lupa.?

Patuloy pa rin pinagtataga ng suspek ang natirang leeg at nangingisay na katawan ng biktima hanggang sa mapagod.?

Sumuko ang suspek sa pulisya matapos itong mahimasmasan sa ginawang krimen.

 

vuukle comment

ACIRC

AETA

ANG

BARANGAY SAN ESTEBAN

GATTARAN

IBOK TUMALIUAN

IGUIG

KINILALA

LUMALABAS

NOEL GUZMAN

RONALD PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with