^

Probinsiya

Mister ginulpi dahil sa jumper

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kritikal ang kalagayan ng 38-anyos na mister matapos na pagtulungang gulpihin ng apat na magkapatid kaugnay sa pinagtalunang illegal na pagkakabit ng linya ng kuryente sa Brgy. Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nasa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Allan Laurilla, drayber at nakatira sa nasabing barangay.

Naaresto naman ang dalawang suspek na sina Marvin Espiritu, 31; at Daniel Espiritu habang tinutugis ng pulisya ang iba pang suspek na sina Banjo Espiritu, at Ricky Espiritu.

Ayon kay PO3 Rodel Alcantara, pinutol ng service crew ng Meralco ang linya ng kuryente sa bahay ng kapatid na babae ng mga suspek. Gayon pa man, muling ikinabit ng mga suspek subalit nakiusap naman ang biktima na isama ang kanyang linya na muling ibalik.

Tinanggihan naman ng mga suspek ang pakiusap ng biktima kung saan nauwi sa matinding pagtatalo.

Nairita ang mga suspek kaya pinagtulungang gulpihin at paluin ng tubo ang biktima.

vuukle comment

ALLAN LAURILLA

ANG

AYON

BANJO ESPIRITU

DANIEL ESPIRITU

LOMA DE GATO

MARVIN ESPIRITU

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

NASA ROGASCIANO M

RICKY ESPIRITU

RODEL ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with