^

Probinsiya

Matakaw mamulutan pumatay ng kainuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sabog ang mukha ng isang 36-anyos na magsasaka nang ito ay barilin ng shotgun ng napikon na kainuman matapos mapag-sabihang malaki ang tiyan at matakaw pa sa pulutan naganap kamakalawa sa Barangay Unag, Amulung, Cagayan. Sinabi ni Sr. Insp. Geronimo Balloran, hepe ng PNP Amulung na napagbalingan lang ng init ng ulo ng suspek na si Juliano Alfonso, 45 ang kainumang kapitbahay na si Arnel Balinuyos nang hindi nadatnan ang target nitong si Marcial Cabbab. Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-3:45 ng hapon ay nainsulto si Alfonso matapos punahin ni Cabbab ang malaki nitong tiyan at matakaw sa pulutan habang nag-iinuman silang magkakapitbahay. Galit na umuwi ang suspek sa bahay at ilang minuto ay bumalik sa inuman dala ang isang shotgun, subalit hindi nadatnan si Cabbab at sa matinding galit ay napagbalingan nito ang biktima na binaril sa mukha.

 

vuukle comment

AMULUNG

ANG

ARNEL BALINUYOS

BARANGAY UNAG

CABBAB

GALIT

GERONIMO BALLORAN

JULIANO ALFONSO

LUMALABAS

MARCIAL CABBAB

SR. INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with