^

Probinsiya

Parak, kapitbahay todas sa away-bata

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang away ng mga paslit na bata matapos na magduwelo ang kanilang mga ama  kabilang ang isang pulis sa madugong insidente sa Brgy.Tetuan, Zamboanga City nitong Bi­yernes ng gabi.

Kapwa dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa katawan sina PO1 Abdelhan Inggilan, 47-anyos, nakatalaga sa Siasi Municipal Police Station  at Haimer Alih, 35-anyos, kapitbahay ng nasabing parak.

Sa ulat, sinabi ni Chief Ins­pector Joel Tuttuh, spokesman ng Zamboanga City Police, naitala ang insidente sa Candido Drive, Brgy. Tetuan ng lungsod kung saan magkapitbahay ang dalawang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng komprontas­yon sa pagitan nina Inggilan at Alih dahilan sa alitan ng kanilang mga anak na paslit na anak na kapwa nagsumbong sa kanilang mga ama.

Sinasabing, isa sa mga paslit ay binully na nauwi sa suntukan ng mga bata na labis na ikinagalit ng kanilang mga ama na kani-kaniya ng kampi sa kanilang mga anak.

Sa kainitan ng pagtatalo ay kapwa nagbunot ng baril ang dalawa at nagbarilan na kapwa duguang bumulagta ay nasawi noon din.

vuukle comment

ABDELHAN INGGILAN

ACIRC

BRGY

CHIEF INS

HAIMER ALIH

JOEL TUTTUH

MGA

SIASI MUNICIPAL POLICE STATION

TETUAN

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with