^

Probinsiya

Sundalo utas sa kuryente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi inakala ng isang sundalo na sa simpleng pagsasampay ng mga damit na nilabhan ay magiging mitsa ito ng kaniyang buahay.

Patay si Corporal Eduardo Reynante-Talanayan matapos makuryente sa loob ng kanilang kampo sa lungsod ng Zamboanga kahapon.

Residente ang 29-anyos na biktimang si Talanayan ng Barangay Pag-asa, Echage, Isabela at nakatalaga sa Alpha Company sa ilalim ng 21st Infantry Battalion sa Sitio Malasugat, Barangay Sangali.

Ayon sa mga awtoridad, nagsasampay lamang si Talanayan nang aksidente niyang mahawakan ang isang live wire.

Naisugod pa sa Mindanao Central Sanitarium Hospital si Talanayan ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Samantala, iniimbestigahan pa ng Zamboanga City Police Station 3 kung mayroong foul play sa insidente.

Si Talanayan ang ikalawang sundalo na nasawi sa loob ng kampo.

Nitong nakaraang buwan ay nagpakamatay si Ssgt. Edgardo Mina-Bagingan matapos magbaril sa sarili gamit ang automatic rifle.

vuukle comment

ALPHA COMPANY

BARANGAY PAG

BARANGAY SANGALI

CORPORAL EDUARDO REYNANTE-TALANAYAN

EDGARDO MINA-BAGINGAN

INFANTRY BATTALION

MINDANAO CENTRAL SANITARIUM HOSPITAL

SI TALANAYAN

SITIO MALASUGAT

TALANAYAN

ZAMBOANGA CITY POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with