^

Probinsiya

Sa 5-6 na pautang ni misis Bakasyunistang OFW tinodas ng tandem!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino worker (OFW) na kakauwi lamang sa bansa para mag-Pasko sa piling ng kanyang pamilya ang nasawi makaraang tambangan at pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem sa Brgy. Road, Brgy. Balite Sur, San Carlos City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si  Romeo Paningbatan, 57 at residente sa nasabing lugar na nagtamo ng maraming tama ng bala ng shotgun sa ulo.

Sa ulat ng San Carlos City Police, dakong alas-11 ng gabi habang lulan ang  biktima ng kanyang service tricycle na Honda TMX 155  sa nasabing lugar upang  makipagkita sa isang Tirso delos Reyes, nasa hustong gulang na umano’y may utang na P5,000 sa kanyang misis nang tambangan ng mga armadong lalaki lulan ng motorsiklo.

Nabatid na ang misis ng biktima ay may negosyong 5-6 o pagpapautang ng pera sa kanilang lugar.

Ayon sa mga saksi, binuntutan umano ng mga suspek ang biktima at saka pinagbabaril pagsapit sa madilim na bahagi ng lugar at saka sila mabilis na tumakas.

Pinaniniwalaan na may kinalaman sa negosyong patubuang pautang na pera ng misis ng biktima ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

ANG

AYON

BALITE SUR

BRGY

ISANG

KINILALA

NABATID

PANGASINAN

ROMEO PANINGBATAN

SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with