^

Probinsiya

Dispatcher nanghiram ng bike, dinedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 33-anyos na van dispatcher na sinasabing hindi kaagad nito naisauli ang hiniram na motorsiklo matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kaibigan sa Sitio Abadilla 2, Barangay Cawayan 2 sa bayan ng San Francisco, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang katawan ni Wider Villanueva ng Purok 7 sa Barangay Poblacion habang tinutugis naman ang suspek na si Rady Rey ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:35 ng hapon nang komprontahin ng suspek ang biktima dahil sa hindi kaagad nito naisauli ang hiniram na motorsiklo. Ikinatuwiran ng biktima na may pinuntahan lamang siya subalit hindi naman tinanggap ng suspek ang tinuran nito hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo na humantong sa pananaksak.

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY CAWAYAN

BARANGAY POBLACION

IKINATUWIRAN

KAMATAYAN

NAGMISTULANG

PUROK

RADY REY

SAN FRANCISCO

SITIO ABADILLA

WIDER VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with