^

Probinsiya

Babae dinedo sa hotel

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Napaslang ang isang babae matapos itong saksakin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng hotel room sa Barangay Soro-Soro, Batangas City, Batangas noong Miyerkules.

Tadtad ng saksak ang biktimang si Sharalyn Cortez Paras ng Channel Street, Saint Paul Subdivision sa Barangay Alangilan sa nasabing lungsod. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa Empress Garden Hotel kaugnay sa natagpuang patay sa isa sa kuwarto bandang alas-6:30 ng umaga. Sa salaysay ng mga nakasaksi, dumating ang biktimang lulan ng traysikel bandang alas-4:30 ng madaling araw kung saan nag check-in ito sa room 11 bago umalis ang tricycle na naghatid sa kanya. 

Gayon pa man, makalipas ang ilang minuto, bumalik ang lalaking back rider ng trike sa room 11 kung saan lumabas bandang alas-6 ng umaga.

Nang mag-inspeksyon ang mga roomboy ay natagpuan ang duguang biktima na may mga saksak sa dibdib.  

Narekober sa crime scene ang dalawang cellular phone mula sa biktima kung saan ina­alam na ng mga imbestigador kung may CCTV camera sa nasabing hotel para makilala ang suspek.

vuukle comment

ANG

BARANGAY ALANGILAN

BARANGAY SORO-SORO

BATANGAS

BATANGAS CITY

CHANNEL STREET

EMPRESS GARDEN HOTEL

MIMAROPA

OMEGA JIREH FIDEL

SAINT PAUL SUBDIVISION

SENIOR SUPT

SHARALYN CORTEZ PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with