^

Probinsiya

Mag-utol na estudyante kisay sa kuryente

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-utol na estudyante matapos na makuryente sa talop na linya ng Kalinga Electric Cooperative sa Barangay Karikitan, bayan ng Conner, Apayao kamakalawa.

Sa pahayag ni P/Senior Insp. Manes Cadengan, hepe ng P. Conner PNP, itinaas nang magkapatid na Jayson Valencio, 24; at Eljay Valencio, 17, ang tubo ng tubig na kanilang hinukay upang tanggalin ang pumasok na putik nang aksidenteng masagi ng kabilang dulo nito ang libu-libong boltahe ng kur­yente na nakabitin sa itaas ng kinatatayuan sa kalsada.?

Nagkikisay sa kalsada ang magkapatid dahil sa tindi nang boltahe kung kaya bumulagta ang mga ito.

Idineklarang patay sa pagamutan sa bayan ng Tuao, Cagayan ang magkapatid. ?

Nabatid na graduating student sa kolehiyo si Jayson habang inaasahang magtatapos sa high school si Eljay sa 2016.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAYAO

BARANGAY KARIKITAN

ELJAY

ELJAY VALENCIO

IDINEKLARANG

JAYSON VALENCIO

KALINGA ELECTRIC COOPERATIVE

MANES CADENGAN

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with