^

Probinsiya

Live-in partner tinadtad, suspek nag-suicide!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines – Dahil sa ma­tinding pagseselos, tadtarin ng sunud-sunod na saksak ng isang lalaki ang kinakasama nito at saka siya nagpatiwakal sa  pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa sa Brgy Real 1, Bacoor City.

Nasa kritikal na kondis­yon sa Our Lady Of Pillar Medical Center ang babaeng biktima na si Roselyn Roxas, 34, empleyado, ng Blk 10 Lot 5 Real Ville Brgy Real 1 ng nasabing lungsod, habang ang live-in partner nito na nagpakamatay ay nakilalang si Joel Cruz, 46, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni PO3 Michael Legaspi, may hawak ng kaso, alas-9:20 ng gabi nagkaroon umano ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ng mag-live in partner dahil sa pagseselos ng lalaki. Naging madugo ang sumunod na pangyayari nang mapikon ang suspek hanggang sa kumuha ng patalim  at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak ang biktima. 

Kahit duguan ang babae, nakuha pa niyang ma­katakbo palabas ng kanilang bahay at humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nagdala sa kanya sa ospital.

Naiwan ang suspek sa loob ng kanilang bahay at nagkulong sa loob ng kanilang palikuran at dito siya nagbigti.

Wala ng buhay nang matagpuan ang lalaki habang nakabitin sa CR.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BACOOR CITY

BRGY REAL

DAHIL

JOEL CRUZ

KAHIT

MICHAEL LEGASPI

OUR LADY OF PILLAR MEDICAL CENTER

REAL VILLE BRGY REAL

ROSELYN ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with