^

Probinsiya

4-anyos ni-rape ng 11-anyos Naglaro ng bahay-bahayan

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga magulang ng isang 11-anyos na batang lalaki matapos na masangkot sa umano’y panghahalay sa 4-anyos na batang babae na kanilang kapitbahay habang nagla­laro ng bahay-bahayan sa Besao, Mt. Province kamakalawa.

Ayon sa report ng Cordillera Police, ang biktimang itinago sa pangalang Giselle ay sinamahan ng kanyang ina sa himpilan ng Besao Municipal Police Station (MPS)-Women and Children’s Desk upang ireklamo ang batang itinago sa pangalang Mark.

Sa murang edad, sinabi ni Giselle na niyaya umano siyang maglaro ni Mark ng bahay-bahayan dakong alas-11 ng tanghali kung saan naganap umano ang pang-aabuso.

Umiiyak na nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at itinuro ang batang suspek na may kagagawan ng pagdurugo ng ari nito.

Dahil sa menor-de-edad at hindi pa maaaring makulong, nasa kustodya ng kanyang magulang ang suspek at nakatakdang ipasa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BESAO

BESAO MUNICIPAL POLICE STATION

CORDILLERA POLICE

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MT. PROVINCE

NAGULANTANG

WOMEN AND CHILDREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with