^

Probinsiya

5 natusta sa nasunog na panaderya

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng lima-katao habang nawawala naman ang isa pa matapos makulong sa nasunog ang panaderya sa bayan ng Taal, Batangas kahapon ng madaling araw.

Base sa police report na isinumite sa Camp Vicente Lim, nagsimula ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling araw matapos matalsikan ng apoy ang second floor ng panaderya mula sa sumabog na electrical wiring sa tapat ng Raiylens Bakery sa  Barangay Bihis.

Kinilala ng nakaligtas na si Gerry Paz ang anim na kasamahang nakulong sa loob ng panaderya na sina Bea Lunaflor, Renelyn Teoxon, Ruffa Fortes, Rosebee Cadiong, Josie Afable, at si Jomarie Bernales.

Gayon pa man, hindi na nakilala ang limang katawang narekober dahil sunog na sunog ang mga ito.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire­out bandang alas-4:45 ng madaling araw.

Kinikilala pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga bangkay na narekober sa nasabing lugar.

vuukle comment

ANG

BARANGAY BIHIS

BEA LUNAFLOR

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMP VICENTE LIM

GERRY PAZ

JOMARIE BERNALES

JOSIE AFABLE

MIMAROPA

RAIYLENS BAKERY

RENELYN TEOXON

ROSEBEE CADIONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with