^

Probinsiya

Motor sumalpok: 5 tepok

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Limang katao ang naiulat na nasawi matapos na sumalpok ang kanilang motorsiklo sa isa pang motorsiklo at isang SUV sa magkahiwalay na insidente nang banggaan sa Santiago City at Gamu, Isabela, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Noel Alaska,  nasa hustong gulang; Noel Tagangin, 67; at tatlong lalaki na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay minamaneho ni Alaska ng kanyang Kawasaki Big Bike nang masalpok ang motorsiklo na minamaneho ni Tagangin na kapwa binabaybay ang highway ng bayan ng Gamu.

Kapwa naisugod sa Isabela Doctor’s Hospital ang dalawa, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Samantala, tatlong la­laking sakay ng isang motorsiklo ang nasawi matapos din nang makasalpukan ang Nissan Patrol Safari sa kahabaan ng City Road, Purok 4, Centro West Santiago City.?

Lumalabas na nang-agaw umano ng linya ang mga hindi pa nakikilalang sakay ng motorsiklo nang mag-overtake ito sa isa pang sasakyan at hindi nakita ang pagdating ng Safari na minamaneho ni Joan Calub, 43.?

Sa lakas nang pagkakasalpok ay nasawi noon din ang tatlong lalaki na walang plate number ang motorsiklo o anumang dokumentong pinanghahawakan na maaaring matukoy sa kanilang pagkakali­lanlan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CENTRO WEST SANTIAGO CITY

CITY ROAD

GAMU

ISABELA DOCTOR

JOAN CALUB

KAWASAKI BIG BIKE

NISSAN PATROL SAFARI

NOEL ALASKA

NOEL TAGANGIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with