^

Probinsiya

4 opisyal ng barangay utas sa ambush

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat opisyal ng barangay ang nasawi matapos na paulanan ng bala ng mga hindi pa kila­lang kalalakihan sa naganap na ambush sa Tangal Bridge sa kahabaan ng highway ng Mother Barangay Bagua, Cotabato City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasa­wing sina Kagawad Misuari Karim ng Brgy.Bagua at mga Brgy. Tanod na sina Mamanta Kalim; Theng Wahab at Omar Abo na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nilang ikinamatay.

Patuloy namang isinasalba ang buhay ng nasa kritikal na kondisyon na  si Omar Abo na isa ring barangay tanod.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Chief Inspector Aldrin Gonzales, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12, naitala ang pananambang sa mga biktima bandang alas- 5:00 ng hapon.

Kasalukuyang nagpapatrulya sa lugar si Karim kasama ang tatlong bara­n­gay tanod na lulan ng multicab nang tamba­ngan ng mga armadong kalalakihan.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng M16 rifle, AK 47 rifle, cal. 45 pistol at cal 9 MM pistol.

Itinuro naman ng mga testigo sa mga otoridad na ang grupo umano ni Brgy. Kagawad Bimbo Ayunan ang nasa likod ng pana­nambang sa mga biktima.

Isinasailalim pa ng mga otoridad sa masusing pagsisiyasat ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CHIEF INSPECTOR ALDRIN GONZALES

COTABATO CITY

KAGAWAD BIMBO AYUNAN

KAGAWAD MISUARI KARIM

MAMANTA KALIM

MGA

MOTHER BARANGAY BAGUA

OMAR ABO

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with