^

Probinsiya

2-anyos hinostage ng adik

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Sugatan ang isang 2-taong gulang na batang lalaki matapos na i-hostage ng isang lalaki na lango sa droga at umano’y hinahabol ng mga demonyo kahapon ng umaga sa Brgy. Ramon Cruz, Gen. Mariano Alvarez, sa lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang hostage taker na si Rambo Gulam 25, may-asawa, habang ang bata ay itinago sa pangalang Jet Russel.

Matapos ang halos pitong oras na negosasyon ng pulisya at ni GMA Mayor Walter Echevarria, sumuko si Gulam at nailigtas naman ang nasabing bata.

Sa ulat GMA Police, alas 11:00 ng umaga nang magsimulang i-hostage ng suspek ang bata. Humahangos umano sa tako at nagsisigaw ang suspek at   may mga humahabol umano sa kanyang mga demonyo hanggang sa makapasok sa isang compound, kung saan nadaanan nito ang biktima na naglalaro. Agad niyang hinablot ang bata at ipinasok sa loob ng bahay ng biktima bago nag-lock.

Hindi nakakilos ang ina ng biktima na nagsasampay ng mga oras na iyon. Nagkulong dito ang suspek at sa loob na rin ng bahay kumuha ng kutsilyo na siyang ginamit sa pangho-hostage sa biktima. Agad namang nagdatingan ang mga opisyales ng barangay at mga pulis pati na si Mayor Echevarria at isinagawa ang negosasyon. 

Hiniling ng suspek na makita at makausap ang kanyang misis na naka-confine sa PGH Manila dahil sa may sakit, na agad namang pinasundo sa ambulansya.

vuukle comment

ANG

BRGY

GULAM

HINILING

JET RUSSEL

MARIANO ALVAREZ

MAYOR ECHEVARRIA

MAYOR WALTER ECHEVARRIA

NBSP

RAMBO GULAM

RAMON CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with