^

Probinsiya

Misis pinatay, mister nagpakamatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 59-anyos na magsasaka na nakapatay sa unang misis may isang dekada na ang nakalipas ang nagbaril sa sarili matapos mapatay ang ikalawang misis nito dahil sa matinding selos na naganap kamakalawa sa Barangay Nagpanawan,Burgos, Ilocos Sur.

Ang suspek na wasak ang dibdib dahil sa ginamit na baril de sabog sa sarili ay kinilalang si Alfredo Escobar.

Ang pagpapakamatay ni Escobar ay nasaksihan ng utol nitong si Dominador na napasugod sa bahay ng una matapos barilin ang misis na si Marilou 48.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nauwi sa pamamaril ang matinding pagseselos ni Escobar sa asawa dahil sa tsismis na mayroon itong ibang lalaki.?

Agad na namatay si Marilou sa tama ng baril de sabog sa tiyan.

Nabatid na ang unang asawa ng suspek ay pinatay nito sa palo dahil din sa selos.

Hindi nakulong ang suspek bagkus ito ay sampung taon na ikinulong sa mental hospital dahil napatunayan na may sakit ito sa utak.

Nang gumaling ay ipinalabas ito at napangasawa si Marilou at maaaring sinumpong ng pagkabaliw kaya pinatay ang misis na si Marilou.

vuukle comment

ALFREDO ESCOBAR

ANG

BARANGAY NAGPANAWAN

BURGOS

DOMINADOR

ESCOBAR

ILOCOS SUR

ISANG

LUMALABAS

MARILOU

NABATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with