^

Probinsiya

Misis nilikida sa harap ng mister

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 23-anyos na misis matapos itong pagbabarilin sa harap ng kanyang mister sa bisinidad ng Barangay Salacot, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Doreen Hulleza habang hindi naman idinamay ang mister nitong si Virgilio Paguio, 34, kapwa nakatira sa Barangay Sta. Ines sa nabanggit na bayan.

Gayon pa man, sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa mister ng biktima ay nadakip naman ang pangunahing suspek na si Ronnie Rueda, 53, magsasaka, ng Barangay Lambakin sa nasabing bayan.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Nathaniel Villegas, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa nang harangin ng suspek.

Pinuntirya ang biktimang duguang bumulagta habang nakaiwas naman ang mister nito at nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang nasamsam naman sa suspek ang baril na ginamit sa krimen.

vuukle comment

ANG

BARANGAY LAMBAKIN

BARANGAY SALACOT

BARANGAY STA

BULACAN

DOREEN HULLEZA

GAYON

NATHANIEL VILLEGAS

RONNIE RUEDA

SAN MIGUEL

VIRGILIO PAGUIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with