PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misis inutas sa harap ng anak at apo

QUEZON, Philippines – Pinabulagta ang 52-anyos na misis matapos itong pagbabarilin ng maskaradong lalaki sa harap ng kanyang anak at apo sa Purok Gumamela, Barangay Comon sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng gabi. Tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Delia Vargas habang hindi naman sinaktan ang kanyang 13-anyos na anak na babae at apo. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na pauwi na ang biktima kasama ang kanyang anak at apo nang harangin at ratratin ng gunman. Nagimbal naman ang anak at apo ng biktima sa nasaksihang krimen habang sinisilip naman ng pulisya ang anggulong alitan sa lupa ang isa sa motibo sa krimen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: