16 nalason sa pansit-bihon
MANILA, Philippines - Umabot sa 16-katao kabilang ang pitong menor-de-edad ang nalason matapos kumain ng pansit-bihon sa Purok Bliss, Barangay Poblacion sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa ng umaga. Kasalukuyang ginagamot sa Mourehouse Mission Hospital ang mga biktimang sina Tinoy Hindang Tinggo, Victor Hindang Tingo, 6; Leo Aifar Gilar, 17; James Simeon Ramirez, 4; Myla Loh Palala, 24; John Rey Alon, 3; Christopher Laureno,15; Arfel Tomas Laureno, 12; John Rey Tingco, 3; Region Caballero, 45; Manuel Dela Cruz, 58; Stephen Camino Homungan, Jahaira Adanto, Dexter Fosod, Evelyn Genodia, at si Manuel Tomas Laureno. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nag-almusal ang mga biktima ng pansit-bihon na niluto ng isa sa mga nalason. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay dumaing ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, panghihina at pagsusuka ang mga biktima. Kasalukuyang sinusuri ng mga opisyal ang sample ng pansit na kinain ng mga biktima.
- Latest