^

Probinsiya

ARMM governor, solon nakaligtas sa bombing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan sina ARMM Govenor Miujiv Hataman at kapatid na Congressman Jim Hataman habang nagutay naman ang katawan ng isang sundalo sa naganap na pagpapasabog sa kahabaan ng highway sa Barangay Lagayas, bayan ng Tipo-Tipo, Basilan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ng Joint Task Group Basilan, kinilala ang namatay na sundalo na si Corporal Hadjulla Manda ng Army’s 64th Infantry Battalion.

Bandang alas-10 ng umaga ng sumambulat ang bomba sa gilid ng highway ng Tipo-Tipo ilang minuto matapos namang dumaan ang convoy ng mag-utol na Hataman na patu­ngo sa bayan ng Sumisip para ayu­sin ang sigalot sa pagitan ng magkalabang angkan.

Patuloy namang iniim­bestigahan ng security forces ang posibleng kina­laman ng mga bandidong Abu Sayyaf sa pagpapasabog.

May teorya si Gov. Hataman na siya ang puntirya ng bombing kaya lamang ay wala sa tiyempo ang pagsabog.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACIRC

ANG

BARANGAY LAGAYAS

CONGRESSMAN JIM HATAMAN

CORPORAL HADJULLA MANDA

GOVENOR MIUJIV HATAMAN

HATAMAN

INFANTRY BATTALION

JOINT TASK GROUP BASILAN

TIPO-TIPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with