^

Probinsiya

Mag-utol na trader itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang mag-utol na negosyanteng Bumbay matapos itong ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan habang kumakain sa isang canteen sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt.Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City PNP ang magkapatid na sina Sanjey at Rajesh Khatri na mga nakatira sa Barangay Bued, bayan ng Calasiao.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen habang kumakain ang magkapatid kasama ang kanilang ina sa canteen na pag-aari ng isa rin nilang kapatid sa Malued District.

Lumilitaw na pinuntirya ng pamamaril si Sanjey kaya tinangka namang umawat ni Rajesh kaya binaril din ito ng tandem.

Dalawang anggulo ang sinisilip na motibo sa krimen habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm at cal. 45 pistol.

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY BUED

BUMBAY

CALASIAO

CAMP CRAME

CHRISTOPHER ABRAHANO

DAGUPAN CITY

DALAWANG

MALUED DISTRICT

RAJESH KHATRI

SANJEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with